Saturday, July 02, 2005

people r people


Mean girls is one of my all time favorites…dami ko kasing kilalang ganyan…haha…I’m sure a lot of people can relate to the movie…diba nung high school merong girl na ndi naman msyado pretty pero super daming may gusto…kung alam lang nila tlga na masama ugali nya…haaay…daming ganyan sa mundo…di ko alam kung anong nakain ko at magsusulat na naman ako…dami kong naiisip…meron kasing nangyare yesterday…then I remembered the movie mean girls…basta may pupuntahan ulit ‘to…basa ka lang…(saka gusto ko lang lagay yung pix..hehe)

From the time na nagkaisip ako…I’ve met soooo many people…sa sobrang dami ndi ko na matandaan yung names ng iba…

sa sooobrang dami ng nakilala ko…ilan lang tlga yung masasabi ko na kaibigan ko tlga…basta ako I consider them as friends…ewan ko lang kung ako friend nila…pero kelan mo ba macoconsider na friend ang isang tao? Acquaintance lang ba sila or friend tlga…gano katagal ba dapat kayo magkasama? minsan kasi sooobrang pinapahalagahan mo sila…baliwala ka lang pala sa kanila…

I remember sabi nung isang tao saken…officemate to be exact…na kahit gano katagal kayo ndi magkita…pag kaibigan mo…kaibigan mo tlga…I remember she told me this nung time na maghihiwalay na ang image sa pac…pero asan na sya ngayon?

Di ba dapat kapag friend mo supportive sya sayo? Ndi yung naiinggit sya or nagagalit kapag napupuri ka or meron kang na-achieve? Kapag nasabihan kang maganda ng iba kailangan sya sabihan din…or pag may bago sayo dapat may bago din sa kanya…labo noh? Kaibigan bang matatawag yun? Kapag may nanliligaw sayo tas sa kanya wala nagagalit sya…dapat sa kanya meron din…(wala tayong magagawa kung walang nanliligaw sayo…umayos ka kasi…)

Ang kaibigan diba dapat ndi ka sinasaktan?...dapat masaya sya kapag magkasama kayo…pano kapag dumating na yung iba iniiwan ka na nya? Binabaliwala ka nya…kaibigan ba yun? Pano kung lagi nyang pinamumukha sayo ang lahat mali mo…ipapahiya ka pa sa iba…kaibigan ba yun? Alam ko ang tunay na kaibigan dapat honest…pero di ba dapat considerate din sya nararamdaman mo…dapat alam nya kung ano yung nakakasama ng loob mo…pano kung lagi pa rin nya sinasabi sayo yung mga bagay na ayaw mo marining…o pinapakita yung ayaw mo Makita…kaibigan ba yun?

Yung iba naman gusto sila lagi nasusunod…napaka buwiset tlga ng ganon…kapag wala sya sa mood dapat bad trip ka rin…ndi ka puedeng masaya kpag bad trip sya…kahit wala ka naman problema…kailangan makidamay ka sa ka-warpan nya…tas kapag may kagalit sya…dapat galit ka din dun…kahit wala naman gnagawa sayo yung taong kaaway nya…dahil friends kayo…dapat kaaway mo rin ang kaaway nya…

Yung iba naman gusto lagi sila asa uso kahit laos naman…gusto lahat ng lakad sinasamahan…dahil ndi ka IN kapag ndi ka kasama…sus! Kung alam ko lang…nung high school hanggang college mo walang yumayaya sayo kaya hayok na hayok ka sa lakad…

Yung iba naman gusto naririnig ng buong mundo ang storya ng buhay nya…kung san sya nagpunta kagabi, mamaya at kung saan ang lakad nya bukas…yung tipong nangiinggit pa kasi sya kasama sa gimik at ikaw hindi…eh wala naman pakialam sa kanya yung mga tao sa paligid nya…kung alam lang nya edi napahiya sya…

Pano kung lagi syang nagsisinungaling..ndi lang sayo…pati sa ibang tao…tama ba yun? Pano kung lahat na lang ng sayo inaagaw nya…tama ba yun?

Iba iba tlga lahat ng tao noh? Ndi naten alam kung bakit nla ginagawa yun…masaya ba sila na namumuhay sila sa kasinungalingan? (naks…madarama…) bakit kaya nila ginagawa yun...minsan naaawa ako sa kanila…pinipilit ko naman intindihin…pro lagi na lang…

I’m not talking about anyone in particular…naisip ko lang lahat ‘to…may mga nakilala and kakilala kasi akong ganito…

i remember earlier…before going to work…I saw this commercial of a Chinese fast food chain…it was all about working in a call center and about their beef wanton mami…the last line the girl said was “ang sarap may kasama…ang sarap may kaibigan” pero pano mo nga malalaman na kung yung kasama mo ay kaibigan mo tlga…

i have this friend that I really admire…sa kanya kasi walang issue issue…kahit minsan may pagka-warp sya and alam kong alam nyang minsan pinaguusapan sya…wala syang pakialam…ndi sya apektado…basta masaya sya sa maliit nyang mundo…sana tulad din nya ko…

Comments:
hi andie! I sympathize with you... having friends is very easy, but keeping them is the hardest thing to do. every individual have their own personalities, perspectives, priorities and upbringings... this is one reason why people... or let's just say "friends" go on to separate ways... but it is solely up to you whether to keep them or ditch them. if you value someone as your friend just be open with them, talk about your differences and meet half way... for then you will get to know who your true friends are... if they don't value you as much as you value them, don't worry just keep in mind that you have been good to them all way through. these bad experiences shouldn't hold you back from investing time and effort on friendship, treat them as a challenge for you... and if you fail... dust yourself off and try again! he he he!!! happy weekend!
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?